Wednesday, October 14, 2026

Are we merely a nation of loyalists?


Madrid, October 12, 2026: reflecting on our Philippine situation.  On our streets, jeepney drivers are fighting a raw, desperate battle for survival. “We can barely make enough to feed our families!  Fare increase!  Discount on diesel!”  Supportive media underscore the drama, and yet, almost instantly, their human struggle is hijacked by the familiar, ugly machinery of political propaganda: genuine grievances are weaponized into partisan mudslinging.

    It seems to be an unfortunate habit with us Filipinos—in our “ningas cogon” mentality the real issues get buried, the nation gets divided, and we are left fighting phantom enemies while the true systemic rot remains untouched.


    Why do we do this to ourselves? Why do Filipinos remain so fractured, consistently supporting leaders with proven records of corruption? Like cult followers we have learned to remain fiercely loyal to our political idols while completely abandoning our national ideals. 


    Can’t we widen our horizons and see beyond our noses? We are not the only country on earth facing a crisis. The whole world is on fire, yet a huge majority of us seem content with swiping and shopping, getting high on TikTok entertainment, and burying our heads in the sand, crying “Wala akong pakelam!” 


    Look at the world news. Governments are stumbling globally, economies are breaking, and nations everywhere are navigating deep unrest.


    As of this writing, in France, hundreds of thousands of students and unions have blockaded schools to protest severe underfunding, teacher shortages, and dilapidated school buildings. Clashes with riot police have led to thousands of arrests and numerous injuries.  

    Massive, synchronized crowds marched through London, Berlin, Paris, and dozens of other countries to mark three years of conflict in Gaza, demanding an end to Israel’s military campaign, total arms embargoes, and state sanctions.

    In India, GenZers took to the streets over controversial voter registration changes, alleged exam leaks, and broader democratic actions. The government responded with a massive crackdown, detaining tens of thousands.

    Dual crises hit Belgium as socialist unions rioted in the capital over proposed government austerity, followed days later by 45,000 climate activists marching to demand immediate EU action.

    Here in Spain, triggered by the tragic eviction and death of a disabled senior citizen, protesters in Madrid have for days been occupying the financial center in blue tents, demanding affordable housing and calling for a general strike against soaring rents.

    The closure of the Strait of Hormuz has triggered a global fuel emergency. Syria and Bolivia face severe inflation, Slovenia has mandated strict fuel rationing, Sweden warns of major shortages, and South Korea and Australia are scrambling to overhaul shattered supply chains.

    A historic El Niño cycle has unleashed unprecedented flooding. Glacial collapses and deluges in Nepal have killed over 1,450 people, while catastrophic seasonal rains have displaced millions and wiped out critical farmlands across Central/West Africa (Nigeria, Niger, Chad, Mali, Burkina Faso), Vietnam, and Colombia.

    Narco-violence has haunted Ecuador and Haiti, keeping them crippled by catastrophic gang and cartel violence tied to transnational drug trafficking networks, while Mexico suffers high-intensity cartel conflicts over smuggling routes, causing deep societal instability and violence.

    When we watch the world stage, we see where our tiny country truly sits in the grand scheme of things. We are not the worst nation on earth. Far from it.  Yet here we are, treating our homeland with a unique brand of self-loathing, unfairly comparing ourselves to others while playing right into the historical script of “divide and rule” left behind by 350 years of colonial rule.

    

    Because we do not truly understand our history, we have failed to become true critical thinkers. We are hyper-critical of our perceived enemies, yet completely blind to our own faults. We judge the “other side” by their worst actions, but excuse our chosen idols for the exact same transgressions.  Is this all that we are now—a nation of “loyalists” identified by political colors?  Can we not see the blue of the sky beyond red, pink, green, yellow?

we treat our ho

    Who benefits when we tear each other apart over political personalities? Only the foreign powers and opportunistic elites who smile at our division. A nation that is quarreling, fractured, and emotionally reactive is a nation that is easy to manipulate, exploit, and control. When we fight one another, we do the work of our exploiters for them.


    We must break this cycle. It is time to face our struggles with calm, dignity, and confidence in ourselves.  Incessant online propaganda should not shape our thoughts. Let us not allow our discontent to divide us as a nation.  Instead, let us find strength in our unity, respect our own sovereignty, and pray for our leaders rather than wishing for their failure.


    Can't we once and for all trust and embrace one another in love for our country? We are the only one who can save ourselves. If we could only trade our puny, partisan ambitions for a genuine, fierce love for our country, we would finally see that yes, we do have the power to rise. We just have to choose each other first.  And that’s the truth.  

Saturday, August 29, 2026

IMPEACHMENT sa pananaw ni Pilosopong Tasyo: ang makapangyarihan ba'y napapanagot?

Sa ilalim ng matandang punong acacia, tahimik na nakaupo si Pilosopong Tasyo.  May hawak siyang diyaryo, ngunit kanina pa niya hindi binabasa. Nakatingin lamang siya sa malayo, waring may pinagmumunihan.

Maya-maya, dumating ang isang binata—law student—na may backpack na puno ng kung ano.


“Magandang hapon po, Ka Tasyo.”


“Magandang hapon. Aba, parang kay bigat ng pinapasan mo!  Kung kamote ang laman niyan, pagbilhan mo nga ako ng ilang piraso.”


Inilapag ng binata ang backpack sa bangkong kawayan, at nakangiting sinabi, “Hindi po kamote, Ka Tasyo, libro po.”


“Akala ko naman problema.”


Napangiti ang binata, “Pareho lang yata, Ka Tasyo. Parehong mabigat.”


“Hindi naman. Ang libro, puwedeng isara. Ang problema, kung minsan, ayaw.”


Umupo ang estudyante sa tabi niya.  “May gusto po sana akong itanong… tungkol po sa impeachment.”


“Ah, impeachment!  Halos yan na lang ang laman ng diyaryong binabasa ko kanina eh.  Ano gusto mong itanong tungkol sa impeachment?   Hindi ba kayo tinuturuan niyan sa law school?”


“Tinuruan naman po. Pero gusto kong malaman kung paano ninyo ito tinitingnan.”


Napatingin si Tasyo sa kanya.  “Bakit? May sinasabi ba ang libro mo na hindi mo maintindihan?”


“Marami po.”


“Kung gayon, baka hindi ang impeachment ang problema.”


“E ano po?”


“Ang libro.”


Napatawa ang binata, “Pero seryoso po ako, Ka Tasyo!”


“Ako rin.”


Sandaling katahimikan.


“Hindi po ba political ang impeachment?” tanong ng binata.


“Oo.”


“Kung ganoon, paano natin masasabing tunay itong accountability at hindi lamang pulitika?”


Napangiti si Tasyo.  “Magandang tanong.”


“Paano po?”


“Sabihin mo muna sa akin: kapag ang isang taong ayaw mo ay pinapanagot, ano ang tawag mo?”


“Accountability.”


“At kapag ang taong gusto mo ang pinapanagot?”


“Political persecution.”


Napatingin sa kanya si Tasyo.  “Sigurado ka?”


Napaisip ang binata.  “Depende po sa ebidensiya.”


“Ah, may pag-asa ka pa!”


Ang tanong na hindi tungkol kay Sara


“Pero Ka Tasyo,” sabi ng binata, “Vice President Sara Duterte ang pinag-uusapan natin.”


“Alam ko.”


“Kung gayon, bakit parang iniiwasan ninyo siyang pag-usapan?”


“Hindi ko iniiwasan.”


“Eh bakit hindi ninyo sabihin kung dapat siyang ma-impeach o hindi?”


“Dahil hindi ako senador.”


“Pero may opinyon kayo…”


“Marami.”


“Kung ganoon…?”


“Hindi lahat ng opinyon ay kailangang isigaw.”


Napatingin ang binata sa matanda.


“Pero mahalaga po ito.”


“Oo. At dahil mahalaga, lalo tayong kailangang mag-ingat.”


“Sa ano po?”


“Sa sarili nating pagkiling!”


Kapag ang puso ang nauunang humatol


“Ganito,” sabi ni Tasyo. “May dalawang tao. Pareho nilang narinig ang isang akusasyon laban sa isang politiko.”


“Opo.”


“Ang una, galit sa politiko. Ang pangalawa, tagahanga niya.”


“Sige.”


“Pareho nilang nakita ang parehong ebidensiya.”


“At...?”


“Ang nakita ng una ay patunay ng kasalanan.”


“Ang pangalawa?”


“Ang nakita ng pangalawa ay dahilan para pagdudahan ang ebidensiya.”


“Pero sino ang tama?”


“Hindi natin malalaman hangga't hindi natin sinusuri ang ebidensiya.”


Tumango ang binata.  “Kung gayon, ang problema ay hindi lamang ang mga politiko…”


“Ngayon, nakikita mo na.”


“Kasama tayo sa problema?”


“Lalo na tayo,” diin ni Tasyo.


Bakit may impeachment?


“Pero Ka Tasyo, bakit nga ba may impeachment?”


“Para papanagutin ang ilang pinakamataas na opisyal ng pamahalaan kapag may mabigat na dahilan upang maniwalang nilabag nila ang mga tungkulin ng kanilang katungkulan.”


“Hindi po ba parang paglilitis sa korte?”


“Hindi eksakto.”


“Bakit po?”


“Dahil hindi ordinaryong criminal trial ang impeachment. May sarili itong proseso sa ilalim ng Saligang Batas.”


“Pero may hatol.”


“Oo.”


“At may ebidensiya.”


“Oo.”


“At may depensa.”


“Oo.”


“Kung gayon, may pagkakahawig.”


“May pagkakahawig. Pero huwag mong paghaluin ang dalawa.”


Tumango ang binata habang nakatingin sa backpack.


“Ang mahalaga,” pagpapatuloy ni Tasyo, “ay ito: ang impeachment ay isang paraan ng pananagutan sa loob ng ating constitutional system.”


“Hindi paghihiganti?”


“Hindi dapat.”


“Hindi rin proteksiyon sa kaibigan?”


“Hindi rin.”


“Hindi rin paraan para tanggalin ang isang taong ayaw natin?”


“Hindi…”


“Kung ganoon, ano po?”


“Isang proseso upang itanong: Ang taong pinagkatiwalaan ng napakalaking kapangyarihan ay karapat-dapat pa bang manatili sa tungkuling iyon?”


Tahimik ang binata.  “Malaking tanong.”


“Malaking tungkulin ang hawak niya.”


At dito nagiging mahalaga ang proseso


“Pero Ka Tasyo, kung totoong may kasalanan ang isang opisyal, bakit kailangan pa nating maging maingat sa proseso?”


Napatingin siya sa binata. “Dahil ang proseso ay hindi hadlang sa katarungan. Bahagi ito ng katarungan.”


“Pero baka makatakas ang isang guilty.”


“Posible.”


“At baka maparusahan ang isang innocent.”


“Mas masama.”


“Bakit po?”


“Dahil kung gusto nating magkaroon ng bansang may batas, hindi natin maaaring sabihin na ‘okay lang ang maling proseso basta tama ang taong gusto nating parusahan.’ ”


Natahimik ang binata, parang ninanamnam ang narinig,


“Kapag ginawa natin iyon,” patuloy ni Tasyo, “tinuruan natin ang susunod na makapangyarihang tao na puwedeng gamitin ang parehong paraan laban sa atin.”


“Pero paano kung kaaway mo?”


“Diyan nagiging mahirap ang demokrasya.”


“Bakit po?”


“Madaling humingi ng due process para sa taong gusto mo.”


“At mahirap para sa taong ayaw mo?”


“Eksakto.”  Tumawa nang bahagya si Tasyo.  “Ang tunay na pagsubok ng pagiging makatarungan ay hindi kung kaya mong maging patas sa kaibigan.”


“Kung kaya mong maging patas sa kaaway?”


“Ngayon, abogado ka na, iho!”


“Hindi pa po…”


“Mas mabuti!  Marami ka pang panahon para magkamali.”


Ang impeachment ay hindi lamang pagsubok sa Vice President


“Kung ganoon, sino ang sinusubok ng impeachment?” tanong ng binata.


“Ang Vice President, siyempre.”


“May iba pa?”


“Marami.”


“Sino pa?”


“Ang mga senador.”


Napakunot-noo ang law student.  “Senador?  Sinusubok ng impeachment?  Papano po?” 


“Dahil sila ang haharap sa napakalaking kapangyarihang humatol sa isang mataas na opisyal.”


“Eh ang House po?”


“Sinusubok din.”


“Ang mga abogado?”


“Ganon din.”


“Media?”


“Lalong-lalo na.”


“Bakit po ‘lalong-palo na’?”


“Dahil puwedeng makatulong ang media na maunawaan ng bayan ang proseso.”


“At puwede ring makasira?”


“Kung ang balita ay ginawang propaganda.”


Marahang tumango ang binata.


“Pero may isa pang sinusubok,” pahabol ni Tasyo.


“Sino pa po?”


“Tayo!” Maagap na sagot ni Tasyo.


“Tayo?  Mga karaniwang mamamayan?”


“Bakit hindi, atorni?” 


Ang bayan bilang hurado


“Hindi naman po tayo ang nagdedesisyon sa impeachment, ah.  Nanonood lang tayo…”


“Hindi nga.”


“Kung gayon?”


“Pero tayo ang humuhubog sa kapaligiran kung saan gumagawa ng desisyon ang mga pinuno.”


“Hindi ko po ma-gets Ka Tasyo…”


“Hindi mo ma-gets ang kapaligirang binanggit ko?  Ito yon: Sa sinasabi natin. Sa pinaniniwalaan natin. Sa ipinapasa natin sa Facebook, sa YouTube. Sa mga video na ibinabahagi natin kahit hindi natin alam kung totoo. Sa mga kasinungalingang pinapalampas natin dahil pabor sa ating kampo.”


Natahimik ang binata.  “Kasalanan din pala iyon?”


“Hindi ko sinabing lahat ay kasalanan.”


“Pero may pananagutan.”


“Magkaiba ang dalawa.”


Ang pagsasabi ng ‘Hindi ko pa alam.’


“Kung gayon, Ka Tasyo,” sabi ng binata, “ano ang dapat kong sabihin kapag tinanong ako kung pro-Sara ako o anti-Sara?”


“Sabihin mo ang totoo.”


“Ano po?”


“Eh di kung pro-Sara ka, sabihin mong pro-Sara ka.”


“Kung anti-Sara?”


“Sabihin mo rin.”


“Pero paano ang impeachment?”


“Sabihin mo: ‘Gusto kong malaman ang buong katotohanan bago ako humatol.’ ”


“Hindi ba parang walang paninindigan iyon?”


“Hinding hindi…”


“Hindi ko po yata naririnig yan sa mga professors namin ah…Bakit po hindi?”


“Dahil may mga pagkakataon na ang pagsasabi ng ‘Hindi ko pa alam’ ay paggalang sa katotohanan, hindi kawalan ng paninindigan.”


Ang mas malaking tanong


Tumayo na ang binata at inayos ang kanyang mga libro.


“May isang bagay po akong naisip.”


“Ano?”


“Baka ang impeachment trial ay hindi lamang tungkol sa kung ano ang mangyayari kay VP Sara…”


“Magaling, atorni,” pangiting winika ni Tasyo.


“… kundi pati kung paano natin haharapin ang kapangyarihan.”


“Mas magaling!”


“At kung paano natin haharapin ang sarili nating pagkiling.”


Pangiting pumalakpak si Tasyo, “Ngayon, puwede ka nang umuwi.”


“Bakit po?” Napatingin ang binata kay Tasyo.


“Dahil kapag nagsimula nang mag-isip ang isang law student, delikado na ang usapan.”


Tumawa ang binata.  “Salamat, KaTasyo.”


“Walang anuman.”


Humakbang ang binata palayo.


“Atorni,” pahabol ni Tasyo.


Napahinto ang binata, lumingon. 


“Kapag narinig mong may nagsabing,  ‘Impeachment ito, kaya siguradong pulitika lang’  ano ang itatanong mo?”


Nag-isip siya bago sumagot, “‘Kung pulitika ito, ibig bang sabihin ay wala nang halaga ang katotohanan?’”


Malugod na ngumiti si Tasyo.  “Ngayon, tama na.”